Sa bandang huli, nabigyan pa ng isa pang pagkakataon ang kanilang pag-iibigan.
Inihandog ng Star Cinema noong 2007 ang pelikulang One More Chance sa direksyon ng batikan at primyadong direktor na si Cathy Garcia-Molina at sa panulat nina Vanessa Valdez at Carmi Raymundo.
Ito nga ang pinakakumitang pelikulang Pilipino noong 2007 at umani pa ng iba't ibang parangal.
Ayon pa nga sa aking pananaliksik, mula pa noong 2007 hanggang 2013, puro kwento ng pag-iibigan ang mga naging blockbuster film sa bawat taong nabanggit. At hindi lamang iyan ang aking nasiyasat, sa taong 2007 pa lamang, hindi bababa sa sampung pelikulang naipalabas ang may ganitong genre. Ganoon na nga lamang ang pagkahumaling ng mga Pilipino sa kwentong pag-iibigan.
No comments:
Post a Comment